Dear Parents,

emcrazyforyou:

   Sana naman po maintindihan niyo kami ‘yung parte namin bilang anak niyo o bilang teenager. Habang sinesermonan niyo kami hindi namin maipaliwanag ang sarili namin kasi syempre magagalit kayo. Oo madalas po nagkakamali kami, Pero sana mapatawad niyo kami. Tao rin kami, Nagkakamali. Kapag sumisingit kami sa sinasabi niyo, Ang sasabihin niyo sumasagot pa kami. Pero sa parte naman namin gusto lang namin mag-explain. Hindi kami sumasabat, Sana maintindihan niyo naman na gusto din namin magpaliwag sa mga nangyayari hindi lang sana kayo puro sermon sana matutunan niyo rin kaming pakinggan. Okay lang po na semonan niyo kami, Okay lang. Pero sana hindi paulit-ulit, Once na natapos na po sana tapos na. Sana huwag nang dalhin sa susunod na sermon ‘yung sermon na natapos na. Tsaka po sana alamin niyo muna ‘yung talagang nangyari, Let us explain first bago niyo kami sermonan. Hindi po sa lahat ng oras palaging kayo ang tama, Minsan din nagkakamali kayo hindi niyo lang alam kasi syempre hindi na namin pinapansin o sinasabi.

                                                          Nagmamahal,

                                                                Anak.

To Tumblr, Love Pixel Union